Sa dami ng tula na sinulat,
Sa iyo ay wala pang naisulat,
IKAW, na naging dahilan ng aking pagkamulat,
Itong Tula ay isang pasasalamat.
Ngayon ay iyong kaarawan,
Ang araw na di ko kailan ma'y kakalimutan,
Hindi ko man lagi napaparamdam,
Pero, mahal po kita higit kanino man.
Tayo man minsa'y nagaaway,
Minsan po ako'y pasaway,
Utos mo'y minsan sinusuway,
Nais ko pong sabihin, patawarin mo ako Inay.
Para sa aking Ina na butihin,
Di ko man po sayo maamin,
Ang tunay na nararamdaman ng damdamin,
Ikaw po ang "THE BEST MOM" para sa akin.
hiling ko sa Diyos sa iyong kaarawan,
bigyan ka ng mabuting kalusugan,
Ilayo ka po sa ano mang kapahamakan,
At pangako ko, sa iyong pagtanda ika'y aking iingatan!
No comments:
Post a Comment