Friday, April 21, 2017

tula : Pangungulila

"PANGUNGULILA"
By:MR.C

Ika'y biglang Bumigay,
Hindi man lang ng Goodbye,
Sinuko mo na ang iyong buhay,
Sa diyos na mahal tayo ng tunay.


Kahit mga mata mo'y singkit,
at minsan ika'y sobrang makulit,
kami'y nagpapasalamat abot langit,
pagkat ika'y kaibigang mabait.


kame'y nagluluksa, aking inaamin,
kaya tuloy nalulumbay ang aking damdamin,
alam ko'y di mo nais na kame ay lisanin,
ngunit kailan man pangakong di ka lilimutin!


luha nami'y umaapaw,
nakaraan natin aming binabaliktanaw,
mga tawanan nati'y umaalingangaw,
kaya kami ay sobrang nasaktan ng ika'y pumanaw.


ang sakit ng mawalan ay aking alam,
pighati ng bawat isa ay aking ramdam,
di namin inaasahan na ika'y magpapaalam,
tunay nga na ang bawat buhay ay tanging hiram.


sa maliwanag na daan ikaw ngayo'y naglalakbay,
Diyos na may lalang sayo ay nakaakbay,
alam namin na ikaw ay masaya sayong bagong buhay,
kasama ng Diyos na nagbigay sa atin ng buhay.


Rest in peace to my friend Ronald Angelada

No comments:

Post a Comment

Featured Post

DETAILED LESSON PLAN - TWO SYSTEM OF MEASUREMENT - CARPENTRY

TLE Core:                                                                                              Learning Area:                   ...